-- Advertisements --

LAOAG CITY – Wala ng buhay ang isang senior citizen na nakita ng mga nagpatrolyang kinatawan ng PNP Laoag sa bypass road na bahagi ng Brgy. 55-Vira, Laoag City.

Nakilala ang biktima na si Santiago Q. Cabusas, 61-anyos at residente ng Brgy. 20-Pulangi, Bacarra.

Base sa reort ng PNP-Laoag, habang nagpapatrolya ang mga kasap nito sa nasabing lugar, nakita ang biktima na tila nakahiga sa gilid ng kalsada at nakadagan ang kanyang motorsiklo.

Agad na nagrepsonde ang kapulisan ngunit unconscious ang hindi na nagresponde ang biktima.

Dahil dito, tumulong ang DPS paramedics at mga empleado ng CHO.

Samantala, ayon kay Dr. Francis Manolito Dacuycuy, ang dity City heath officer na nagsagawa ng post mortem examination sa bangkay ng biktima, namatay ito dahil sa cardio respiratory arrest secondary to Myocardial infarction.

Kaugnay nito, posibleng naatake ang bitima tatlo hanggang limang oras a nakalipas bago makita ng mga otoridad.