-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Major Julius Basallo, ang chief of police ng PNP-Dingras na nsinaksak ang isan matandang nadiskubre sa Barangay Barong sa bayan ng Dingras.

Ang biktima ay 65-anyos, walang asawa, isang magsasaka at residente sa naturang barangay.

Ayon kay Basallo, nadiskubre ang bangkat ng biktima sa bukid, malapit sa ilog sa Sitio Franco, Barangay Barong sa nasabing bayan.

Dahil dito, sumailalim sa post mortem examination ang biktima at napag-alaman na may sugat ito sa ulo matapos saksakin ng matalim na bagay.

Sa imbestigasyon naman ng mga otoridad, huling nakita ang biktima sa bukid ngunit hindi na nakauwi sa kanyang pamilya hanggang sa madiskubre ang bangkay nito.