-- Advertisements --

Nakatakdang magbitiw sa kaniyang puwesto bilang senior adviser ni US President Donald Trump si Kellyanne Conway.

Kelly Conway and Trump

Ayon sa 53-anyos na si Conway, magiging epektibo ang kaniyang pagbaba sa puwesto sa darating na Agosto 31.

Magiging prayoridad daw nito ang kaniyang pamilya muna.

Maging ang kaniyang asawa na si George na kilalang kiritiko ni US President Donald Trump ay aatras na rin sa pagiging political activist.

Ang nasabing desisyon sa pagbitiw sa puwesto ay sariling desisyon daw nito.

Si Conway ay veteran pollster at Republican strategist na siyang unang babae na humawak sa tagumpay sa isang Presidential campaign kung saan siya sa Trump campaign noong 2016.

Tumayo rin siyang bilang senior counsellor at political adviser ni Trump.