-- Advertisements --
image 11

Bumabalangkas na ang mga Senador sa bansa ng isang resolution na kumokondena sa provocative action ng China sa West Philippine Sea at nagbibigay ng ilang options sa executive department para matugunan ang usapin.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, sa naturang resolution ilalahad ang petsa at araw nang pagpasok ng Chinese vessels sa ating teritoryo at ang kanilang patuloy na panghaharass sa Philippine Coast Guard, PH Navy at mangingisda at ikalawa ay ang hihimukin ang pamahalaan na gumawa ng aksiyon hinggil dito.

Matatandaan na una ng naghain ng isang Senate resolution si Senator Risa Hontiveros na nananawagan sa Marcos administration na i-raise sa United Nations General Assembly ang panghaharass ng China sa katubigan ng Pilipinas.

Kagabi, nagsagawa ng isang executive session o closed door meeting ang mga Senador kasama ang security officials ng executive department kung saan tinalakay ang posisyon ng Senado sa Senate Resolution No. 707 at Senate Resolution No. 659 na una ng inihain ni Senate deputy minority leader Sen. Risa Hontiveros na humihimok sa administrasyon na humiling ng tulong sa United Nations General Assembly kaugnay sa isyu sa WPS laban sa China.

Kabilang sa mga dumalo sa closed door meeting sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, National Security Adviser Eduardo Año, at Armed Forces chief of staff Gen. Romeo Browner.