-- Advertisements --

Handa ang Senado sakaling humarap si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, plantsado na ang lahat ng preparasyon kabilang ang pakikipag-ugnayan sa pambansang pulisya.

Kinilala rin ng lider ng Senado ang posibilidad na humabol o dumalo ang Bise Presidente sa mismong araw ng paglilitis.

Nuana nang nilinaw ni Gatchalian na tanging preliminaries muna ang tatalakayin ngayong araw, kung saan magbibigay ng opening statements ang prosekusyon at depensa, kasabay ng pagtalakay sa mga usaping napagkasunduan sa pre-trial conference.

Bukas, Hulyo 7 naman ang pormal na pagsisimula ng aktwal na trial para sa paghaharap ng mga testigo at ebidensya.

Tiniyak naman ng Senate President na gagawin ng Mataas na Kapulungan ang lahat upang maging malinaw at madaling maunawaan ng publiko ang buong proseso sa pamamagitan ng pagpapaliwanag nito gamit ang layman’s terms o sa madaling salita na nauunawaan ng karaniwang tao.