-- Advertisements --

Nasa Senado na ang bola sa pag-apruba ng ikatlong economic stimulus package na nakikitang makakatulong sa pagpapaagaan sa kalbaryong pasan-pasan ng mga Pilipino sa harap nang COVID-19 pandemic.

Sinabi ito ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda matapos na aprubahan ng Kamara ang Bayanihan to Arise as One Act (Bayanihan 3) sa botong 238 na Yes, 0 na No, at 1 Abstention.

Ayon kay Salceda, sa sitwasyon ng ekonomiya ng Pilipinas sa kasalukuyan, bukod pa sa kailangan na rin ng household income support, marapat lamang na magkaroon ng Bayanihan 3.

Umaapela rin ang kongresista sa Ehekutubo sa ikonsidera ang pinakamahalagang bahagi ng Bayanihan 3.

Gayunman, sa ngayon, tiniyak ni Salceda na nanantiling pursigido ang Kamara sa programa ng Duterte administration para sa economic recovery at mahalagang fiscal at economic reforms.

Sa ngayon, wala pa ring naibibigay na certification of availability of funds ang Bureau of Treasury para sa Bayanihan 3.