-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta si Sen. Joel Villanueva sa pagbabalik ng 100% face-to-face classes para sa mga estudyante.

Sinabi ni Sen. Villanueva na batas sa pahayag ng NEDA, 37 percent lang na effectiveness ng online o modular learning kumpara sa face-to-face learning dito sa Pilipinas kaya urgent aniyang makabaw mula sa learning loss na dulot ng pagsasara ng mga paaralan at remote classes dahil sa pandemya.

Ayon din daw sa NEDA, may kabuuang Php 11 trillion ang mawawala sa bansa sa susunod na 40 years dahil sa suspension ng face-to-face classes at lost wages mula sa mga magulang na kailangang magpaliban ng trabaho para tulungan ang kanilang mga anak sa online classes.

Kaya mainam umanong mapabilis lalo ang implementasyon ng COVID vaccine boosters para sa mga bata mula 12-17 bago mag-Nobyembre kung kailan planong full capacity na ang face-to-face classes.

Inihayag ng mambabatas na may ilang buwan pa para maihanda ang ating mga paaralan para sumunod sa minimum public health standards gaya ng proper ventilation at maghanda para sa contingencies base sa sitwasyon ng pandemya.

Isa pa aniyang mahalagang pagtuunan din ng pansin ay ang kaakibat na gastos dahil sa face-to-face classes, gaya ng mataas na presyo ng transportasyon at bilihin.