-- Advertisements --

Tinawag na sinungaling ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairman Francis Tolentino ang China matapos umanong sabihin na ang bansa ay mas nakasisira sa yamang-dagat sa West Philippine Sea. 

Ang pahayag ni Tolentino ay base sa pahayagan ng communist party of China na The Global Times na naglagay ng mga payao na nakasisira umano sa coral reefs sa Recto Bank.

Giit ni Tolentino, nagisinungaling ang China at mas marami na silang sinira sa WPS. 

Inihayag din ni Tolentino na patuloy na palakasin ang pwersa ng bansa sa WPS.

Para pa kay Tolentino naha-highlight ngayon ang pagpapakita ng Pilipinas na hindi titiklop ang bansa sa anumang ipinapakitang pambu-bully ng China laban sa atin. 

Itong ganitong pag-uugali aniya ay hindi nabigyang-pokus noong mga nakaraang panahon.

Samantala, nang matanong din ang Senador kung nakikita na nito ang worst case scenario mula sa mga aksyon ng china,  aniya, kung magkakaroon man ng worst case scenario ay malapit-lapit na sa armed violence higit sa pambobomba ng tubig. 

Ngunit, umaasa si Tolentino na hindi ito gagawin ng China laban sa atin.