Hinimok ngayon ni Senator Imee Marcos ang Philippine National Police (PNP) na makipag-ugnayan sa mga local government units kaugnay ng posibilidad na pagsasagawa ng curfew sa pagbili at pagbebenta ng alak sa mga lugar na mayroong mataas na insidente ng panggagahasa.
Nababahala na raw kasi ang senadora dahil base sa data ng pambansang pulisya ay nakapagtala na ang mga ito ng 149 crimes against female students.
Aniya, karamihan daw sa mga insidente ng sexual violence sa mga school girls at mga batang kababaihan ay mula sa National Capital Region (NCR).
Ang naturang mga kaso raw ay kinasasangkutan ng alcohol at drugs na nangyari sa tuwing payday, fiestas, concerts at iba pang public occasions.
Kaya naman ay maigi raw na pag-aralan ang pagpapataw ng curfew sa sale at purchase ng alak para maiwasan ang naturang mga insidente.
Hiniling din ng presidential sister na makipag-ugnayan sa kanilang international counterparts at ang ASEAN security network kaugnay sa talamak daw na insidente ng mga karahasan na ang mga babae ang biktima.