ILOILO CITY – Muling iginiit ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang paninindigan laban sa Sexual, Orientation and Gender Equality and Expression (SOGIE) bill.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Pacquaio, sinabi nitong may ilang probisyon sa SOGIE bill na hindi pa kayang tanggapin sa Pilipinas.
Ayon kay Pacquiao, mas mabuting isabatas muna ang Anti-Discrimination dahil mas malawak ang sakop nito kung ihahambing sa SOGIE bill na limitado lamang sa mga Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) community.
Maliban dito, nagbigay rin ng komento si Pacquiao hinggil sa nangyaring hazing sa Philippine Military Academy kung saan nararapat lang daw na mabigyan ng hustisya si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.
Hinggil naman sa kontrobersiya sa narco cops, tumangging magbigay ng pahayag ang senador.
Kasabay nito, nagpasalamat rin si Pacquiao sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Ilonggo kasabay ng ika-39 na Annual Pastors and Workers Conference ng Iloilo Baptist Church.