-- Advertisements --

NAGA CITY- Nanawagan sa Malakanyang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na tigilan na ang mga pananakot, pasaring at pang-iinsulto.

Ito’y may kaugnayan sa sunod-sunod na komento ng Malakanyang laban kay Vice President Leni Robredo natapos nitong tanggapin ang pagiging drug czar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Sen. Pangilinan, sinabi nitong nakakalungkot na wala pang isang buwan ngunit kaliwa’t kanang batikos na ang ibinabato kay Robredo sa halip na tulungan.

Tahasang sinabi rin ni Pangilinan na kung may isang salita lamang sana si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi sana magkakaproblema sa ngayon.

Aniya, kung sa una pa lamang na wala pala itong tiwala sa kakayahan ng bise presidente ay hindi na dapat nito ibinigay ang naturang posisyon.

Sa ngayon, ang pagkakaisa at pagtutulungan aniya ang kailangan para masulosyunan ang matagal nang problema sa iligal na droga sa bansa.