-- Advertisements --
Kinumpirma na ni Senator Imee Marcos na siya ang nagkumbinsi kay Vice President Sara Duterte-Carpio na maging ka-tandem ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong 2022 national elections.
Sinabi ng senador na hindi nito pinapalaki ang usapin at ayaw niya na ito ng pag-usapan pa.
Kapwa mahalaga ang dalawa kung saan kinakapatid niya si Vice President Carpio.
Magugunitang pinuna ng ikalawang pangulo ang naging pahayag ni Cavite congressman Elpidio Barzaga na si House Speaker Martin Romualdez umano ang nag-udyok sa dating Davao City Mayor na tumakbo bilang bise presidente.