Hinimok ni Senator Risa Hontiveros ang gobyerno na magtalaga rin ng “Balik Trabaho” czar na siyang mangangasiwa sa mga ilalatag na plano ng national government para tulungang magkaroon ng hanapbuhay ang mga indibidwal na naapektuhan ng coronavirus pandemic.
Ayon kay Hontiveros, dahil mahilg umano ang Malacañang na maglagay ng czar sa iba’t ibang bahagi ng COVID-19 response ay dapat din daw na may tawaging “Balik Trabaho” czar.
Ito ang magsusumikap na umisip ng paraan upang muling magka-trabaho ang milyong milyong Pilipino ngayong nasa gitna pa ng krisis ang bansa.
pormal na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. Siya rin ang mamamahala sa mga hakbang ng gobyerno para tulungan ang publiko.
Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa malinaw kung sinong government official ang nangangasiwa sa paggawa at panunumbalik ng mga trabaho sa bansa.
Kwento pa ng senadora, noong huling nakausap niya si Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III ay itinanggi nitong sa kaniya ipinagkatiwala ang employment preservation at employment creation.
Kung hindi aniya maagapan ang problema sa unemployment ay mas marami pang Pilipino ang magugutom, hindi makakapag-aral, at hindi makakakuha ng gamot na kanilang kailangan.