-- Advertisements --

Tinungo ng team ni Senador Christopher “Bong” Go ang Barangay Cembo sa Makati City na naapektuhan ng sunog.

Namahagi ang outreach team ni Go ng financial assistance, meals, food packs, vitamins, masks, at face shields sa kabuuang 34 na pamilya sa barangay hall.

Namigay din sila sa mga piling residente ng bisikleta na magagamit sa pag-biyahe at computer tablets sa mga bata para sa blended learning.

Sa video message, pinasalamatan ng Senador ang mga bumbero sa patuloy na pagtupad sa kanilang tungkulin, kasabay ng pagtiyak sa commitment ng pamahalaan sa kanilang kaligtasan, na nakasaad sa bagong batas na Republic Act No. 11589 o the Bureau of Fire Protection Modernization Act.

Ang naturang batas, na ang punong may-akda ay si Go, ay naglalayong palakasin ang firefighting at rescue capabilities ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa loob ng 10 taon sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang manpower, pagbili ng bagong fire equpment at mag-develop ng specialized training programs para sa mga bumbero.

“Ako mismo ay saksi sa hinagpis na nararamdaman ng ating mga kababayan na biktima ng mga sunog. Buwan-buwan, ilang insidente ng sunog ang aking binibisita sa iba’t ibang panig ng bansa upang makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating nabiktima nito. Kaya nag-file ako ng bill sa Senado to enhance our fire protection services and hire more personnel who are willing to dedicate their lives to ensure the safety of our communities. Dapat paghandaan natin ang anumang krisis o sakuna. Bukod sa pagiging laging handa, dapat rin maging informed ang mga Pilipino kung papaano maiiwasan ang mga insidente tulad ng sunog,” ani Go.

Bilang Chair ng Senate Committee on Health, nag-alok si Go na tulungan ang sinumang residente na nangangailangan ng atensyong medikal at pinayuhan silang i-avail ang medical assistance mula sa pamahalaan sa at pinakamalapit na Malasakit Center.

Sa kasalukuyan ay mayroong 141 Malasakit Centers sa buong bansa, at 26 dito ay matatagpuan sa Metro Manila.