Kailangan pa rin ni Sen. “Bong” Revilla Jr., ang maayos na pahinga habang nakikipaglaban sa pneumonia.
Ayon sa asawa nitong si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, ito’y sa kabila ng pagbuti ng lagay ng 53-year-old actor kung saan minsan na lamang ito inuubo.
Sa ngayon aniya ay mayroon pa ring pneumonia si Bong kaya apela ang patuloy na panalangin ng publiko tungo sa tuluyang paggaling.
Wala namang nabanggit ang alkalde hinggil sa pagkakaroon ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) ng mister.
Nitong Agosto 18 nang tuluyang isugod sa ospital ang anak ng namayapang “Agimat” star, halos 10 araw mula nang aminin na siya ay positibo sa COVID-19 at sa kanilang bahay lamang nag-isolate.
Samantala, tanging pag-share lamang din sa online update ng kanyang celebrity wife ang ginawa ng actor/politician.