-- Advertisements --
Matapos ang tatlong taon, bumalik na ang confidence ni Selena Gomez sa kabila ng pagkakaroon na ng peklat.
Mismong ang 28-year-old American pop star ang nag-post sa kanyang latest sexy picture kung saan isinapubliko na nio ang idinulot na peklat mula sa kanyang kidney transplant noon pang 2017.
Ayon kay Gomez, hindi na siya nahihiya sa naturang peklat na makikita sa bandang singit ng kanyang kanang hita kung saan proud siyang nalampasan ang major operation.
Kaagad naman itong umani ng papuri kung saan karamihan ay sumang-ayon na lahat ng klase ng katawan ay maganda.
Ang dating Disney Princess ay ex-girlfriend ng Canadian pop sensation na si Justin Bieber. (OMG)