-- Advertisements --

Tinamaan ng drone ng Russia ang Security Service ng Ukraine sa Kyiv.

Kinumpirma ito ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang direktang pagtama ng drone ng Russia sa government buildings ng Ukraine.

Sa nasabing pag-atake ay nasugatan ang limang katao.

Nahaharap sa walong araw na pag-atake ang Kyiv kung saan ilang gusali na doon ang tinamaan ng drone at missiles mula sa Russia.

Mula pa noong nakaraang buwan ay umabot na sa 53 katao ang nasawi at mayroong 134 na ang sugatan.

Ang pag-atake sa SBU ay siyang magdudulot ng pagtaas ng tensiyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.