-- Advertisements --

Dinoble ng mga otoridad sa Amsterdam ang pagbibigay ng seguridad sa kay Dutch Princess Catharina-Amalia.

Ayon sa mga otoridad sa the Netherlands na nakakuha sila ng impormasyon na target ang 18-anyos na si Amalia ng mga criminal group.

Bukod kay Amalia ay doble rin ang security na itinalaga kay Prime Minister Mark Rutte dahil sa pangambang target ang mga ito ng organized crime group.

Pansamantalang namumuno kasi si Princess Amalia dahil ang magulang nito na sina King Willem-Alexander at Queen Maxima ay kasalukuyang bumibisita sa Sweden.