LAOAG CITY – Depende umano kung mayroong magandang dahilan para iwithdraw ang prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Ito ang sagot ni Pang. Bongbong Marcos matapos matanong kung susuportahan nito ang panawagan na mareview ang prangkisa ng NGCP.
Ayon kay Marcos, isa sa mga tinitignan nito ay kung maganda ang performance ng NGCP at kung sumunod ito sa kontrata sa pagitan ng pamahalaan at ang korporasyon.
Sinabi nito na sa ngayon ay ito ang isang iniimbestigahan ng Kongreso at titinignan nito kung pwede na lamang ayusin ang sistema.
Ito ay dahil kapag tinanggal ang prangkisa ng NGCP ay maghahanap na naman ng iba para sa operasyon at kung saan kukunin ang kapalit at maapektuhan ang mga empleyado.
Ipinunto pa nito ang nangyaring power outages sa Negros at Panay Island kung saan ang Negros ay mayroong excess ng power supply.
Samantala, inaasahan ng pamahalaan ang mas mababang rate o mas murang kuryente sa bansa sa pamamagitan ng mga itinatayong renewable energy.
Pinaliwanan nito na dapat maayos ng lahat ng mga kooperatiba sa Pilipinas ang distribusyon ng elektrisidad sa mga consumers.
Sinabi nito na ang nakikita niyang problema ay ang transmission ngunit naniniwala na makakahap ang mga pribadong kooperatiba ng solusyonan para mas mapaganda pa ito.
Dahan-dahan umanong mararamdaman ng mga Pilipino ang magandang resulta ng renewable energy sa pamamagitan na rin ng pagkakaisa at pagtutulungan.