-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nasawi ang isang security guard na driver ng motorsiklong naibangga sa isang taxi sa Lower Magsaysay Avenue, Baguio City.

Nakilala ang biktima na si Eugene Canayon Pawid, 25-anyos, binata at residente ng Leseb, Bauko, Mountain Province.

Nakilala naman ang driver ng taxi na si Armando Sarrosa Yamos, 51-anyos, may asawa at residente ng Km 4, La Trinidad, Benguet.

Batay sa report, nanggaling ang motorsiklo sa direksyon ng Magsaysay Flyover at patungo sana ito sa La Trinidad , Benguet.

Habang nasa kurbadang bahagi ng kalsada ang motorsiklo ay napunta ito sa kabilang linya ng kalsada at dito ito naibangga sa taxi na patungo sana sa Barangay Camdas, Baguio City.

Nabigyan pa ng first aid ang driver ng motorsiklo at naisugod ito sa Pines City Doctors Hospital ngunit naideklara itong patay na.

Isinugod naman ang driver ng taxi sa Baguio General Hospital and Medical Center para sa physical examination at alcoholic breath test.

Patuloy ang imbestigasyon ng Baguio City Police Office para malaman kung may paglabag sa bahagi ng taxi driver.