CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang security guard matapos magpositibo sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Patul, Santiago City.
Ang suspek ay si Dennis Fonacier, 45-anyos, security guard at residente ng naturang lugar.
Nabili sa pinaghihinalaan ng isang pulis ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,000.
Nakuha rin sa kanyang pag-iingat ang isa pang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5,000.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Rommel Cancejo, Station Commander ng Santiago City Police Office (SCPO) Station 2, sinabi niyang newly identified drug personality si Fonacier.
Patuloy ang panawagan ng mga otoridad sa publiko na ipagbigay alam sa kanila kung may nakikitang kahina-hinalang gawain sa kanilang mga lugar.