-- Advertisements --
Tinapatan ni Justice Sec. Crispin Remulla ang mga bagong hamon ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.
Kaugnay ito ng matitinding mga akusasyon ni Bantag laban kay Remulla.
Ayon sa kalihim, dapat harapin na lamang ni Bantag bilang isang lalaki ang mga reklamo laban sa kaniya kaugnay ng pagkakadiin nito sa Percy Lapid killing.
Pero tumanggi muna si Remulla na sagutin ang hamon ni Bantag na mag-resign na ang kalihim dahil wala na itong kredibilidad.
Una nang iginiit ng DOJ na matibay ang mga ebidensya laban kay Bantag na siyang itinuturong mastermind sa Percy Lapid killing.