Handa raw ang Department of Agriculture na magbigay ng briefing at alalayan si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos matapos magdesisyon na pamunuan ang Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, welcome umano sa Agriculture department ang desisyon ni Marcos na pangasiwaan at magkaroon ng kapangyarihan sa departamento.
Kahapon nang magdesisyon ang president-elect na pansamantalang pamunuan ang DA.
Dahil dito, sinabi ni Dar na nakahanda siyang tulungan si Marcos ano man sa oras na gusto nito.
Pero wala pa naman daw itinakdang petsa para rito.
Sa isyu ng P20 sa kada kilo ng bigas na target ng papasok na pangulo, sinabi ni Dar na ang pinakamalapit na presyong posibleng maabot sa ngayon ay ang P27.50.
Aniya, para maabot ang P20 kada kilo ng bigas ay kailangan ang anim na taon na local production ng inbred at hybrid rice.










