-- Advertisements --

Humihingi ngayon ang Securities Exchange Commission (SEC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng mas malinaw na regulasyon para sa digital assets para maprotektahan ang mga konsyumers.

Ayon kay SEC Chairman Emilio Aquino na karamihang mga ipinasara nilang mga investment scams ay mga tinatawag na humihingi ng mga pera na malinaw na lumalabag sa Securities Regulation Code.

Dagdag pa nito na mahalaga ang magkaroon ng batas na direktang tumatalakay sa mga digital assets para maging mas mabisa silang tagapagpatupad ng batas.

Sa panig naman ng BSP na mahalaga ang nasabing proposal para tuluyang ma-regulate ang mga digital assets, kabilang ang financial accounts Regulation Acts.