Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na, balik na siya sa kaniyang duty ngayong araw, January 17,2022 matapos ma cleared sa Covid-19 infection.
January 11 ng kumpirmahin ng kalihim na siya ay positibo sa Covid-19 virus.
Sinabi ni Ano, nagpapasalamat siya na hanggang sa ngayon ay nananatili siyang asymptomatic dahilan para ma cleared ito.
Gayunpaman, mananatili siyang nasa isolation pero tuloy pa rin ang trabaho nito.
Unang na-infect ang kalihim nuong March 31,2020 nasundan ito nuong January 11, 2021 kung saan mahigit isang buwan nag leave ang kalihim para sa kaniyang post-covid health recovery plan.
Panawagan naman ng kalihim sa mga kababayan natin na may vaccine hesistancy pa rin hanggang sa ngayon na magpa bakuna na sa lalong madaling panahon para magkaroon ng proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.
” Thankfully, I remain asymptomatic as of now. I will continue to work while isolating. I encourage everyone to get vaccinated and boosted as soon as possible, and to continue following health protocols,” mensahe ni Sec. Ano.