-- Advertisements --

KALIBO, Aklan —- Pansamantalang inilipat sa frontbeach ang lahat ng mga water sports activities sa Isla ng Boracay dahil sa malalaking alon.

Sa abiso na ipinalabas ng Philippine Coast Guard (PCG)-Aklan na may petsang Agosto 25, 2022, mula sa Bolabog area o back beach ay inilipat muna sa beachfront ang mga aktibidad gaya ng sea sports, island hopping, scuba diving, helmet diving, paraw at iba pa para sa kaligtasan ng mga turista.

Nakipag-ugnayan na umano sila sa lokal na pamahalaan ng Malay at Boracay Water Sports Association kaugnay sa ipinalabas na sea travel advisory.

Ipinasiguro ng PCG na magpapalabas ng susunod na anunsyo ukol dito.