Bigo ang koponan ng Pilipinas sa sport na polo na masungkit ang unang panalo laban sa team ng Brunei, 8 – 8.5.
Nagpasok ng apat na puntos para sa Pilipinas ang main defense player ng team na si Gus Aguirre.
Dalawang puntos sa forward player na si Santi Juban, habang tig-isa sina Ed Lopez at Tommy Bitong.
Sa panig naman ng Brunei, limang puntos ang ipinasok ni Prince Pengiran Mudan Bahar na mula sa royal family.
Kasama rin ni Bahar sa team si Mohammand Husin at magkapatid na sina Princess Azemah at Prince Abdul Mateen Bolkiah na mga anak ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah
Nakakuha ng .5 advantage ang Brunei sa pamamagitan ng handicapped points na mula sa pinagsamang provides puntos na lamang ng Team Philippines bago ang laban.
Alas-3:00 ng hapon magsisimula ang susunod na laban sa pagitan naman ng Indonesia at defending champion na Malaysia.
May pag-asa pa ang Pilipinas na makasungkit ng panalo sa pagbabalik ng mga laro simula sa Martes, November 26.