-- Advertisements --

Nagtala ng bagong world record ang isang Scottish swimmer matapos na mabilis nitong paglangoy sa Cook Strait.

Ang nasabing bahagi ng dagat ay pinamumugaran ng pating sa pagitan ng North at South Island ng New Zealand.

Nakumpleto ng 31-anyos na si Andy Donaldson ang 23 kilometers na rota sa loob ng apat na oras at 33 minuto.

Naghintay pa ito ng tatlong linggo para makatiyempo ng tamang pag-ihip ng hangin bago tuluyang ituloy ang paglangoy mula sa Wellington bago magmadaling araw.

Nahigitan niya ng apat na minuto ang record na nahawakan sa loob ng 15 taon.

Hind lamang ito ang unang pagkakataon na nakabasag siya ng record dahil siya ang unang lalaking Scottish na lumangoy mula Ireland hanggang Scotland.

Noong Agosto ay lumangoy ito sa English Channel sa loob ng walong oras para talunin ang 25-year-old British record na nagawa sa loob ng siyam na oras.

Target nito na languyin ay Abril sa 42 kilometro ng Molokai Channel sa Hawaii.