Inatasan ng Kataas-taasang Hukuman ang House of Representatives, House Committee on Justice, Senado at iba pa na magsumite ng kanilang kumento ukol sa petisyon may kinalaman sa pagdinig ng ‘impeachment’ laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa naganap na En Banc Session ng Korte Suprema nitong ika-8 ng Abril, naglabas ito ng kautusan para pasagutin ang mga respondents sa loob ng sampung araw mula pagkatanggap ng abiso.
Habang pinagsama na rin ng korte ang mga kaso o petisyon inihain nina Atty. Israelito Torreon, Vice President Sara Duterte at iba pa laban sa House Justice Committee at Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Bagama’t may hakbang ginawa ang Korte Suprema, hindi ito nangangahulugan pinagbigyan ang kahilingin kalakip sa petisyon.
Isa kasi sa kahilingin nakapaloob sa petisyon ay ang pag-iisyu ng ‘Temporary Restraining Order” upang pigilan ang komite o kamara sa pagdinig ng ‘impeachment complaints’.
Kinukuwestyon sa mga petisyon ang pagiging naaayon sa Konstitusyon ng bansa ang mga ginawang aksyon ng komite hinggil sa ‘impeachment’ laban sa ikalawang pangulo.
















