-- Advertisements --
Nilinaw ng Korte Suprema na ginhawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang tulungan ang inmate aktibista na si Reina Mae Nasino na namatayan ng anak dahil sa pneumonia complications.
Ito ang naging sagot ni Chief Justice Diosdado Peralta sa mga kritiko na nagsasabi na nabigo sila na protektahan si Baby River.
Umaasa si Peralta na maiintindighan ni Nasino ang korte lalo pa’t wala silang intensyon na i-delay ito.
Nilinaw din nito na hindi dapat sisihin ang mga hukom lalo pa’t may sinusunod din silang batas.
Napag-alaman na isa si Nasino sa 19 na political prisoners na naghain ng petisyon para sa humanitarian reliefs.