-- Advertisements --
supreme court

Nagtakda na ang Supreme Court ng ultimatum sa mga abogado ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) para ipaliwanag ang isyu ng umano’y pamemeke ng ilan sa kanilang mga dokumento sa West Philippine Sea (WPS) marine environment case.

Sa isinagawang deliberasyon ng SC, binigyan ng kataas-taasang hukuman nang hanggang Biyernes, Hulyo 19 na palugit ang mga petitioners para puntahan mismo ang lugar at makausap ang mga mangingisdang petitioners sa kaso.

Pagkatapos nito ay kailangan daw ng mga petitioners na magsumite ng kanilang compliance o mosyon kung itutuloy ba nila ang kaso o hindi.

Ito raw ang magiging batayan kung muling ipagpapatuloy ang oral argument sa naturang kaso sa Hulyo 23 araw ng Martes.

Una rito, sa compliance na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG), hiniling nito na ibasura ang hirit ng IBP lawyers na extension para magsumite ng mga dokumento.

Ito ay para makausap daw muna nila ang kanilang fishermen-clients at makapagsumite ng tamang pleading.

Sa isinagawang oral argument noong nakaraang linggo, binanatan ni Solicitor General Jose Calida ang IBP dahil umano sa isyu ng fraud at misrepresentation.

Sinabi ni Calida na 19 sa mga petitioners ang umatras na sa kaso.