-- Advertisements --
Patuloy ang panawagan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa lahat ng mga mamamayan na magkaisa para sa hosting ng bansa ng FIBA Basketball World Cup sa Agosto 2023.
Ayon sa kay SBP president Al Panlilio na umabot sa 45 taon bago muling maibalik sa Pilipinas ang FIBA Basketball World Cup.
Mararapat aniya na magkaisa ang lahat dahil sa buong mundo ay nanonood para sa matagumpay na hosting ng bansa.
Bukod kasi sa Pilipinas ay magiging host din ang Japan at Indonesia ng nasabing FIBA Basketball World Cup.
Una ng nagpahayag ng suporta ang mga nasa Philippine Basketball Association (PBA), National College Athletics Association (NCAA) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP).