-- Advertisements --
Hindi isinasasra ng Samahang Basketball ng Pilipinas na makakuha ng dayuhang coach para sa laban ng Gilas Pilpinas.
Sinabi ni SBP executive director at spokesperson Sonny Barrios, na magpupulong pa sila ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sa nasabing usapin.
Paliwanag pa nito mahalaga ang pagkakaroon ng dayuhan na coach para mapag-aralan din ang ilang mga laro mula sa ibang bansa.
Makaktulong din ito aniya lalo na sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup na gaganapin sa susunod na taon.
Magugunitang naging coach ng Gilas si Tab Baldwin bago ito bumaba sa puwesto noong Pebrero na ipinalit naman si Nenad Vucinic na nagpasya namang hindi na irenew ang kontrata nito ngayong buwan.