-- Advertisements --

Itinalaga bilang prime minister si Saudi Arabia crown prince Mohammed bin Salman.

Ang 37-anyos na crown prince ay anak ni King Salman bin Abdulaziz na naging de factor ruler ng Gulf-state.

Nakasaad sa royal decree ang pag-anunsyo sa kaniyang promosyon mula deputy PM at defence minister.

Kasabay din nto ay itinalaga ang kapatid nito na si Prince Khalid bin Salman bilang bagong defence minister habang ang isang anak pa ni King Salman na si Prince Abdulaziz bin Salman ay itinalaga bilang energy minister.

Ang 86-anyos kasi na si King Salman bin Abdulaziz ay palaging naoospital subalit pangungunahin pa rin nito ang ginagawang cabinet meeting.