-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patuloy pa na pinaghahanap ng mga awtoridad ang ina ng bagong luwal na sanggol na iniwan sa kisame ng Dr. Ricardo S. Provido Memorial District Hospital sa bayan ng Calinog Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Calinog Iloilo Mayor Francisco Calvo, sinabi nito na kahapon ng alas-4:00 ng umaga ay dumating isang babae sa ospital para magpa-checkup.
Limang oras makalipas nang dumating ang naturang babae ay narinig na lamang aniya ng janitor ng ospital ang isang umiiyak na sanggol.
Hinanap ito ng naturang janitor at natagpuan sa kisame ang sanggol na hindi pa natatanggalan ng pusod.
Matapos ang ilang oras ay binawian ng buhay ang nasabing sanggol.
Nakitaan din ng pasa ang sanggol sa mukha nito.