-- Advertisements --

Ibinasura ng Sandiganbayan 7th Division ang naging mosyon ng dating negosyanteng si Janet Lim Napoles laban sa admission ng ebidensiya sa kaniyang mga kaso may kinalaman sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam sangkot si dating Oriental Mindoro representative Rodolfo Valencia.

Ang mga kaso laban kay Napoles at Valencia ay may kinalamn sa umano’y maanomaliyang paggamit ng dating mambabatas ng P7 million PDAF mula 2007 hanggang 2009.

Sa isang resolution na in-adopt noong Nobiyembre 15, 2022 , tinanggap ng korte ang mga dokumento na tinutulan naman ni Napoles dahil umano sa irrelevance at kabiguang patunayan umano ang purposes nito.

Ang mga dokumento na tinanggap ng korte ay ang printouts ng hard drive ng whistleblower na si Benhur Luy na naglalaman ng cash at check daily disbursement reports na ginawa nito bilang dating opisyal ni JLN Corportation ni Napoles.

Saad ng korte na ang nasabing mga printouts ay subjected para sa forensic examination taliwas sa objection ni Napoles kung saan iginigiit nito na nilabag ng naturang ebidensiya ang orihinal na document rule.

Ayon sa korte, ang nasabing mga dokumento ay inalok para patunayan ang illegal transaction ng akusadong si Napoles sa pamamagitan ng iba’t ibang non-government organizations na naitala at naidokumento ng kaniyang finance officer na si Luy.

Nagpaalala din ang korte sa lahat ng parties sangkot sa naturang kaso kaugnay sa presentasyon ng mga ebidensiya para sa akusado sa Enero 17, 2023.