-- Advertisements --
Inirekominda ni San Juan City Mayor Francis Zamora na manatili ang Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) status.
Iginiit ni Zamora na hindi dapat madaliin ang pagpapaluwag sa quarantine status sa buong Metro Manila.
Ang mahalaga naman kasi aniya sa ngayon ay mayroong maayos na balanse ang ekonomiya at kalusugan ng mga tao, bagay na nagagawa naman sa ilalim ng GCQ status.
Mababatid na ang Metro Manila, kabilang na ang 11 probinsya sa Luzon, ay isinailalim sa GCQ mula Agosto 19 hanggang Agosto 31.