-- Advertisements --

Idineklara ng San Juan City na special non-working holiday ang June 30.

Ito ay para bigyan daan ang panunumpa ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr sa National Museum.

Ang nasabing executive order ay pirmado ni San Juan City Mayor Francis Zamora para matiyak ang kaligtasan ng mga mamayan na nagtatrabaho sa kanilang lungsod.

Inatasan nito ang mga kapulisan at Traffic and Parking Management Office and Public Order Safety Office (POS) na tumulong sa pag-implementa ng kautusan.

Nauna rito nagpatupad na ring holiday ang lungsod ng Maynila dahil sa nasabing kaganapan.