-- Advertisements --
image 280

Sampung katao na ang napaulat na namatay sa South Africa dahil sa paglaganap ng Cholera sa nasabing bansa.

Ayon sa Department of Health ng South Africa, nasa 95 katao na ang dinala sa mga ospital sa isang probinsya roon dahil sa malalang sintomas ng nasabing sakit, katulad ng severe diarrhea, stomach cramps, at nausea.

Kabilang sa mga dahilan na tinutukoy ng mga eksperto ng nasabing bansa ay ang palagiang pag-inom ng mag tao roon ng tap water o tubig na galing lamang sa mga bukas na water tanks.

Maliban sa South Africa, maging ang Mozambique at Malawi ay una na ring nakitaan ng mataas na biktima ng Cholera kung saan idineklara na rin kamakailan ang outbreak sa mga ito.

Ayon sa World Health Organization, ang kahirapan at kaguluhan, kasama na ang labis na epekto ng climate change ang nagiging pangunahing dahilan kung bakit maraming mga tao ang kinakapitan ng mga nasabing uri ng sakit, na kalimitang inuugnay sa kahirapan.