Isinara ngayong araw ang Swab and Saliva Sample Collection Center ng Philippine Red Cross (PRC) Logistics and Multipurpose Center (PLMC) sa Mandaluyong City para i-disinfect makalipas na 30 frontliners ang tinamaan ng COVID-19.
Sa kanilang Twitter account, sinabi ng PRC na karamihan sa mga tinamaan ng COVID-19 sa kanilang frontliners ay pawang mga sample collectors na exposed araw-araw sa kanilang Sample Collection Units and Molecular Laboratories.
Ang mga indibidwal na naka-schedule para sa sample collection sa PLMC Mandaluyong ay maaring bumisita sa Megamall at Araneta collection centers ng PRC para sa kanilang aliva testing, o puwede rin sa kanilang Port Area office.
Bukas, Setyembre 13, 2021 nakatakdang magbukas ulit ang PLMC site ng PRC sa Mandaluyong, simula alas-8:00 ng umaga.










