-- Advertisements --

Naghain na rin ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-senador ang civic leader na si Samira Gutoc.

Pasado alas-5:00 ng hapon nang maghain ng kanyang COC si Gutok sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Hotel sa Pasay City.

Magugunita na si Gutoc ay tumakbo rin bilang senador noong 2019 sa ilalim ng opposition slate na Otso Diretso.

Kamakailan lang, lumipat siya sa Aksyon Demokratiko, na pinangungunahan naman ni Manila City Mayor Isko Moreno bilang kanilan gpresidente.

Sa kanyang talumpati pagkatapos niyang maghain ng COC, sinabi ni Gutoc na malaki ang kanyang utang na loob sa Liberal Party at kay Vice President Leni Robredo.