CAUAYAN CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (illegal possession of Firearms) ang isang sales agent matapos masamsaman ng hindi lisensyadong baril sa Purok Kwatro, Magsaysay Hill, Bambang, Nueva Vizcaya.
Ang dinakip si Lorenzo Dagadag, 39 anyos, may asawa at residente ng nabanggit na Lugar.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Bambang Police Station, isang sibilyan sa kanilang himpilan ng pulisya at ipinagbigay alam ang pagdadala ng baril ng pinaghihinalaan habang nasa isang lamay .
Agad na nagtungo ang mga pulis sa nasabing lugar at hinanap ang pinaghihinalaan na inilarawang nakasuot ng kulay berdeng Jacket at itim na slock pants.
Agad kinapkapan ng mga pulis ang suspek at nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang Cal. 45 na may limang bala .
Sinabi ng pinaghihinalaan na nabili nito ang baril sa Lunsod ng Baguio ngunit walang maipakitang papeles ng naturang baril kaya’t agad dinala sa Bambang Police Station para sa kaukulang disposisyon.