Nananawagan ngayon si House Ways and Means Chairman at Albay, 2nd District Representative Joey Sarte Salceda sa economic team ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na dapat nilang tutukan ang pag resolba sa totoong “economy constraints” para matulungan ang mga mahihirap sa kabila na patuloy na pagtaas ng inflation sa bansa, lalo na ang naging panawagan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtupad sa mabilis na interest rate hikes para tugunan ang pagtaas ng inflation.
Sinabi ni Salceda, hindi sagot sa inflation sa desiyon ng Central Bank na taasan ang rate hikes.
Ito ay kung ang inflation ng bansa ay sanhi ng labis na liquidity sa mga pamilihan, at kung ang pagtaas ng rate ay nauugnay sa mga sanhi ng inflation sa Pilipinas.
Pero ayon kay Salceda, hinde dapat tayo magpahirap sa sarili dahil magiging walang saysay ito sa pagtugon sa mga alalahanin sa presyo.
Paliwanag pa ng Bicolanong mambabatas, taun-taon, ang malawak na pera ng Q1 (unang quarter) ay lumawak lamang ng 7.7 porsyento, habang ang GDP (gross domestic product) ay lumawak ng 8.3 porsyento. Ibig sabihin, ang tunay na ekonomiya, sa ngayon, ay mas mabilis pa ring lumalaki kaysa sa pag-imprenta ng pera.
Dagdag pa ni Salceda, kaniyang i-discourage ang panawagang mas agresibong aksyon kaugnay sa BSP policy rates.
“So, I would discourage those who call for more aggressive BSP action on policy rates. I would instead call for just enough policy rate adjustments to expand our room for action should inflation momentum accelerate further. But for now, inflation is mostly not the financial sector’s fault. So financial sector action will hardly make a dent,” paliwanag ni Salceda.
Naniniwala ang mambabatas na ang pag produce ng sapat na pagkain, paghahanap ng mas murang enerhiya, at paglutas ng mga bottleneck sa transportasyon ay mananatiling susi para mapabuti pa ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa at mabigyan ng kaginhawaan ang mga Pilipino.
Aniya, walang BSP action ang magiging magandang substitute sa tatlong priorities na kanilang inilatag.
Binigyang-diin ni Salceda na suportado nito ang Bayan Bangon Muli or BBM package na itinuturing na “inflation-busting” imbes na tututok sa paggastos.
Siniguro ni Salceda na siya ay maghahain ng version na naka pokus sa inflation-busting powers para sa Pangulo at mga programa na magtatanggal ng supply constraints.
“During my time as an investment banker, I sparred with some officials of the BSP on the central bank’s actions to support the peso during the years that immediately presaged the Asian Financial Crisis. Monetary policy action should relate directly to the cause of the economic incident being addressed. Otherwise, it will be costly and almost certainly futile,” dagdag pa ni Salceda.