-- Advertisements --

Pinuri ni House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda ang pamunuan ng Meralco sa kanilang inisyatibo na gawing mas madali ang pag apply ng diskwento ng mga senior citizens at PWDs.

Ang inisyatibo ng Meralco ay bunsod sa kahilingan ng may akda ng House Bill No. 9793 na nagtatakda na pawaligin pa ang prangkisa ng Meralco sa loob pa ng 25 taon.

” I laud Meralco’s effort to make it easier to register as a senior citizen or person with disability and avail of discounts. I requested Meralco to make this available in consonance with the efforts of the Committee on Ways and Means to improve the privileges of vulnerbvale sectors,” wika ni Salceda.

Ang makakapag -avail sa diskwento ay ang mga registered members na may edad 60-anyos pataas at ang kanilang electricity service ay nakapangalan sa ilalim ng isang senior citizen at ang pag renew ay taunang ginagawa.

Hiniling din ni Salceda sa Meralco na alisin ang mga documentary requirments gaya ng Barangay clearance, tama na yung identification card.

Umaasa ang ekonomistang mambabatas na ang lahat ng korporasyon ay maging proactive sa pag comply sa kanilang mga obligasyon sa mga PWDs at Senior Citizen.