Binati ni Albay Representative Joey Salceda si Batangas Representative Ralph Recto sa umano’y appointment nito bilang bagong kalihim ng Department of Finance (DOF).
Ito’y kahit wala pang kumpirmasyon mula sa Malakanyang kaugnay sa appointment ni Recto.
Batay sa mga ulat, nakatakdang manumpa si Recto bukas July 12,2024 kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Salceda na kaniyang wini- welcome ang appointment ng kaniyang kapwa tax reformer.
Binigyang-diin ni Salceda na hitik sa experience si Recto partikular sa economic legislation at may malalim na relasyon sa mga miyembro ng Kongreso.
Dagdag pa ng ekonomistang mambabatas na ang experience at network na mayruon si Recto ay makakatulong sa pagpapatibay ng mga makabuluhang reporma upang tugunan ang cost of living, create employment, at pag expand sa ating fiscal space.
Si Recto ay dating chairman ng Committee on Ways and Means sa Senado at isa sa mga may akda sa 1997 Comprehensive Tax Reform Program nuong panahon na siya ay mambabatas pa sa Kamara.
Kumpiyansa naman si Salceda na ang mga tax reforms na naka pending sa Senado ay magkakaroon na ng paggalaw ngayong finance chief na si Recto.
Sakali, papalitan ni Recto sa pwesto si Finance Secretary Benjamin Diokno.