-- Advertisements --
image 75

Inaasahang tataas ng 4% ang pasahod sa Pilipinas ngayong taon sa gitna ng pressures dala ng inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ayon sa isang global recruitment firm na Robert Walters.

Isinagawa ang survey sa 2,000 respondent companies at clients na nakapanayam sa Robert Walters Global Salary Survey 2023 noong Setyembre ng nakalipas na taon.

Pagdating sa predicted salary growth ngayong taon kumpara noong 2022, sinabi ni Alejandro Perez-Higuero, director ng Robert Walters office in the Philippines na hindi gaanong naiiba subalit hindi rin gaanong mataas.

Inaasahan naman na kasabay ng pagdami lalo na ng mga bihasa sa pagdating sa teknonolihiya, finance at digital services na pumapasok sa labor market ngayong taon, mas lalakas pa ang posisyon ng Pilipinas sa global workforce market pagsapit ng katapusan ng 2023.