Isinusulong ng mga kongresista na madagdagan ang sahod at benepisyong natatanggap ng mga private nurses sa Pilipinas.
Inihain kamakailan nina Deputy Speaker at Davao Rep. Paolo Duterte, Dumper partylist Rep. Claudine Diana Bautista at ACT-CIS partylist Rep. Eric Yap ang House Bill No. 7569 o “Minimum Wage for Nurses in the Private Sector Act of 2020”.
Binigyan diin ni Yap na kahot pareho namang mahalaga ang papel na kanilang ginagampanan ay malaki ang agwat sa sahod ng mga nurses sa pribado at mga pampublikong ospital.
Base sa mga pag-aaral, nasa P9,757 ang buwanang sahod ng mga nurses sa private hospitals habang nasa P19,845 hanggang P30,531 naman ang sa mga government hospitals.
Kaugnay nito, sa ilalim ng panukala, inaasatan ang National Wages Productivity Commission (NWPC) ng Department of Labor and Employment (DOLE) na makipagugnayan agad sa Department of Health (DOH), Philippine Nursing Association at Private Hospitals Association of the Philippines.
Ang mga ito ang mag-aaral at babalangkas sa kung magkano ang dapat na idadagdag sa sahod ng mga nurses at mga health workers sa private hospitals.
Sa oras na maging batas ay papatawan naman ng mula P100,000 hanggang P1 Million sa bawat paglabag, ang alinmang ospital na susuway sa mga probisyon ng panukala.