-- Advertisements --
Xi Jinping

Aabot sa 31 mga indibidwal ang nasawi habang patuloy pa ring sumasailalim sa treatment ang pito pang mga biktima na nagtamo ng mga sugat at paso mula sa naganap na gas explosion sa isang barbecue eatery sa Ningxia region sa China.

Nangyari ang pagsabog sa bisperas ng holiday long weekend habang milyun-milyong turista ang naghahanda sa pagpunta sa kalsada para sa Dragon Boat Festival kung saan kabilang sa mga biktima ng naturang insidente ay mga estudyante at mga retirees.

Dahil dito ay agad na ipinag-utos ni Chinese President Xi Jinping ang pagsasagawa ng safety overhaul sa buong China, kasabay ng panawagan sa lahat ng mga rehiyon na iwasto ang mga safety risks at “hidden dangers” sa kani-kanilang mga lugar.

Samantala, ayon sa ilan ang mga insidente ng gas at chemical explosion ay hindi na bago para sa China.

Matatandaan na noong 2021, isang pagsabog ng gas sa isang barbecue restaurant sa hilagang-silangan na lungsod ng Shenyang ang kumitil sa buhay ng apat na mga indibidwal at naminsala ng 47 iba pa, kasama na ang malakas na pagsabog na sumisira sa harapan ng tindahan at nabasag ang mga bintana ng mga kalapit na gusali.