-- Advertisements --
image 82

Naglatag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng safety at security protocols bilang paghahanda sa pagbuhos ng mga motorista na magsisibalikan sa Metro Manila mula sa mga probinsiya.

Ayon pa kay acting MMDA Chairman Romando Artes Jr. patuloy ang knailang pagbabantay sa mga bus station, mga paliparan at pantalan para matiyak na walang makagambala sa maayos na pagbiyahe ng mga pasahero.

Iniulat din ng opisyal na maayos sa kabuuan ang Holy week break ngayong taon maliban lamang sa inasahan na talagang influx ng mga pasahero sa mga transport terminals lalo na noong Miyerkules Santo at Huwebes Santo.

Samantala, ipinapaalala naman ng MMDA na nananatiling suspendido ang number coding scheme ngayong araw bilang pag-marka sa Araw ng Kagitingan na idineklara ng Malacanang na non-working holiday.