-- Advertisements --

Lumipad patungong Belarus si Russian President Vladimir Putin ngayong araw ng Lunes, Disyembre 19.

Ito ay sa gitna ng pangamba na layunin ng Russia na ipressure ang dating Soviet ally nito na Belarus para umanib sa bagong opensiba laban sa Ukriane at bumuo ng isang bagong front.

Ang pagbisita ni Putin kay Belarusian leader Alexander Lukashenko ay kauna-unahan mula noong 2019 bago magkapandemiya at pagsiklab ng mga kilos protesta ng Belarusian noong 2020 na pinatahimik ni Lukashenko sa pamamagitan ng maigting na suporta mula sa kremlin.

Ayon kay Ukrainian joint forces commander Serhiy Nayev, pag-uusapan ng dalawang lider ang aggression laban a Ukraine at mas malawak na involvement ng Belarusian armed forces sa operasyon nito laban sa Ukraine partikular na sa ground.

Una ng sinabi ni Ukraine top General Valery Zaluzhniy noong nakalipas na linggo na naghahanda ang Russia ng 200,000 na bagong tropa para sa malakihang opensiba na magmumula sa east south at maging sa Belarus sa unang bahagi ng Enero.